-PaGLalaKbaY-
I. Ang Pasimula ng Paglalakbay: PAGKASUMPONG
<Flashback: HighSchool Days>
Dahil first day lang ng klase, maraming absent na estudyante pati narin mga teachers. Hapon na! Nabalitaan kong wala ang mga guro namin sa hapon na iyon kaya nagpasya akong umuwi na.
Dahil sa sinanay akong magimpok, tinitipid ko ang baon ko kaya di na ako nagtricycle pauwi. Di naman gaanong mainit kaya linakad ko ang diretsong daan pauwi sa amin. Malapit lang naman kase bahay namin, mga 15 minutes lang nasa bahay nako.
Ang bahay namin ay nasa likod ng bahay nina Lolo at Lola, maliit lang, nakadikit pa sa pader. Walang sala iyon, hapagkainan lang, maliit na c.r. at maliit na kwarto na kung saan nagkakasya kaming tatlo… si nanay at ang aking kaisaisang kapatid.
Dahil wala naman magawa, wala sina nanay, nasa iskwelahan sya at nagtuturo, binuksan ko ang aming black and white na TV. Di pa uso cable noon, kaya mga regular channels lang. Di ikot pa ang pagpili ng mga channels, from channel 0 to channel 12.
Wala namang maganda, pinaikot ikot ko ang knob ng channel selector hanggang napansin ko sa channel 12 (IBC 13) may parang pannel discussion. Pamagat ng programa ay Don Manolo and his Genious Family.
Ano ito? Sino tong Don Manolo na ito? Mayaman kaya ito? At bakit genious family? Kakaiba ito ah.
Pinakinggan ko, nahiga ako sa kama (walang upuan, kama agad). Naririnig ko biblya ang pinaguusapan. Wow galing kako. Favorite ko panaman ang biblya, lalo na yung pinagbibiliban ko noon ay yung mga taong nagtratransalate ng bible. Biruin mo, tinatranslate ang bible sa iba’t ibang wika. E tatlong wika ang alam ko… kapangpangan, tagalog at english. Kaya natutuwa ako pag nalalaman ko ang translation ng isang salita sa Ingles sa kapangpangan. Tulad ng Rainbow… ano sa kapangpangan yon? Sa tagalog bahag hari, e sa kapangpangan diko alam! Kapangpangan pa naman ako…. Puninari pala… he he.
Anyway, naguusap usap sina Don Manolo and His Genious Family. Nalaman ko yung mga naguusap ay mga pastor galing sa iba’t ibang relihiyon. Diko matandaan kung ano ang pinaguusapan nila pero may natandaan akong isang tao doon. Ang galing nya, nagsasalita sya halos sitas sa biblya. Di pa nya nabubuksan ang biblya binabasa na nya ang sitas! Nakakatuwa nga eh. Pero di naman scripted ang usapan nila dahil, open forum sila at ang discussion ay freewheeling. Isa pa, pag nagsalita ang isang pastor or pare, may sitas na panglaban ang tao na iyon. Uy, bakbakan to kako! Parang boxing, tagisan ng lakas pero dito tagisan ng sitas! ![]()
Sa aking pakikinig at pagkakaintindi tama naman ang sinasabi ng lalakeng iyon, dahil may basehan naman sya at tama ang pagkakaintindi nya sa sitas. Galing kako… kahit isa akong baptist, eh mas pinaniwalaan ko sya kesa sa isang pastor dun.
————————————————————————————–
II. Ang Pagpapatuloy ng Paglalakbay: PAGKAKILALA
<Flashback: College Days>
Lumipas ang ilang taon, mga 4 na taon siguro iyon diko nakita uli ang taong iyon. Nawala nalang agad sila sa Channel 13. Diko man alam kung ano ang pangalan nun at kung anong relihiyon sya.
College na ako, patuloy naman ang pagsamba ko sa church namin. Lolo ko kase pastor ng Baptist, pero hindi ko masasabi na talagang baptist kame dahil humiwalay ang Lolo ko sa Baptist Church dahil sa paninira ng mga dati nyang kasama dahil sa perang nakukuha nya galing sa US churches para sa pagpapagamot ng aking Lola. Matagal na panahon iyon, sanggol pa daw ako noon, nung nangyari ang bagay na iyon sa aking Lolo. Pero hindi iyon ang kwento ko… ![]()
Dahil sa nagaaral na ako sa Baguio city, eh taga Tarlac ako, naghanap ako ng church doon sa Baguio. Parang may kulang kase, parang di tama na lumipas ang isang linggo o isang buwan at hindi ako makasamba. May nakita akong Baptist church, kahit nagaalinlangan akong pumasok dahil nga sa nangyari sa Lolo ko e pumasok din ako at nagpakilala. Kinalaunan, pati mga kaibigan ko at pinsan ay nahikayat kong umatend ng pagsamba doon dahil christian naman din ang teachings.
Di rin nagtagal ang pagsamba namin doon… Di na sumasama mga kaibigan ko at ako nalang ang umaatend doon. Ewan ko kung bakit pero masakit man sa loob ko na di umattend, eh parang hindi ako at home sa church na iyon. Hindi sa wala akong kasamang sumasamba doon pero dahil parang ang layo ko sa mga tao doon. Diko alam, diko maintindihan, pero di narin ako nagpatuloy doon.
Natapos na ang Semester, bakasyon na! Yahoo!!! Nasa Tarlac lang ako, pahinga at nood ng TV. Di na black and white ang TV namin, colored na. At hindi na di ikot ang channel selector, remote na!!! Wow! Galing naman nito, kahit malayo at kahit dika na tumayo nalilipat mo ang channel. Galing kase ng Saudi si Daddy, ayos naman ang buhay namin kahit maliit lang ang bahay. Nakakapag aral naman sa isang private at kilalang University sa Baguio.
Ang isa pang kinatuwa ko sa bagong TV namin ay maraming channel. Sakto pang may bagong tayong Cable TV Station sa town namin. Wow! Ang daming channel naman! Malulula mga mata ko nito sa kapapanood. Puyat palage inaabot ko. Gumigising na ako ng 11 am, diretso TV agad he he. Ang hilig ko panaman sa mga English movies. May HBO! Discovery Channel! MTV!!! Galing! He he.
Minsan isang gabi, tinaas ko ang pagpili ng channel… hanggang napuntahan ko ang isang channel… SBN21. Uy, ang galing ng nakita ko! Tanungan! At hindi basta bastang tanungan, biblya ang pinaguusapan. Ang setup ganito… yung mga audience isa isa tinatawag… pupunta sa gitna at kukunin ang mikropono, magtatanong… Sasagot naman itong isang lalake, tapos susuportahan nya ng sitas sa biblya ang sagot nya… sasabihin nya sa katabi nyang may hawak na biblya ang ganito… BASA!!! Nakakatuwa nga e. BASA!!! He he.
Teka…. Teka… kilala ko itong lalaking ito ah… hindi yung tagabasa ang tinutukoy ko… yung nagsasabi ng BASA! Sya nga! Sya nga yung napanood ko nung highschool pako! Wow! Nakita ko sya ule. Pero parang tumaba sya di tulad noon payat.
Sa tanungan na iyon, kala ko noong una eh ini-iskip ang tape habang iniisip ang sagot at hinahanap ang sitas sa biblya. Pero kinalaunan, napansin ko tuloy tuloy ang pagsagot at pagbabasa ng biblya! Walang cut. Galing naman ng tagabasa nya, binubuksan palang ang biblya at hinahanap ang sitas eh sinasabi na nya ang nakasulat! Saulado nya ang buong biblya!!??
Sa una mas bilib ako sa tagabasa, pero napagtanto ko kabisado rin ng lalaking iyon ang biblya at sya talaga ang nagpapaliwanag. At doon ko nalaman ang pangalan ng lalaking nasumpungan ko apat na taong nakakaraan. Ang pangalan nya ay Brother Eliseo Soriano.


nice!!!! galeng ng story mo, hehehe! at cute din po ng pagkaka-deliver. amazing!
tbtG!!!
hhahahahahah!!!!!!!!!!!!!!
8Hd5TC Astrology horoscope
m0ss6E Magnussen furniture
aKevnR Cimarron river pharmacy
asar naman tong mga “bots” na nagcomment. peke!
ako hindi peke dahil i can spell peke as in p-e-k-e.
please feedback
hello mayroon ba tao dinhi hoorayarigato conitsuwa
conbanwa
guys