Thanksgiving Tips (DRAFT pa… kasinggulo pa ng isip ko, didn’t make it on time, sabi ko sa sarili ko gawa ako post na kapakipakinabang na related sa faith bago sumapit ang isang dekada ko sa Iglesia… pero crammmmmmmiiiing nangyari)
Note: Ang mga laman ng post na ito ay pawang galing sa aking mga personal na karanasan, idiya, saloobin at suhestion at walang kinalaman ang pamunuan sa mga laman nito. Kung may kamalian man, pakituwid lang po ako, ang doktrina at mga palatuntunan parin ng pangasiwaan ang dapat pairalin. Hanggat maaari hindi na rin gaanong tatalakayin ang mga bagay na tinatalakay sa doctrina tungkol sa pagpapasalamat.
1. Ang dahilan ng pagdalo sa pasalamat ay hindi dapat dahil sa mga bagay na ito:
- Nahihiya o natatakot sa manggagawang palaging nagtatanong kung dumalo ka ng nakaraang pasalamat. Parang pilit ka lang. Worker: “Bro nakadalo na po ba kayo ng pasalamat?” Ikaw: Ah eh, hmmmm… hindi po kase sira po ang kotse ko… tsaka wala po ako pamasahe. Hindi rin po nagalarm ang cellphone ko kaya ala una na po ng hapon ako nagising. Tapos nauntog pako, yun pala nanaginip pa pala ako. Ikaw sa isip mo: Sa susunod dadalo nako… kababain, makarine, nakakahiya, shame on me!
- Pakikisama sa mga kamaganak, kaibigan o kapatid sa Iglesia. Kung baga tangaytangayan ka lang. Dependent ka sa kanila kung sila ay dadalo o hindi.
- Ayaw mahuli sa balita. Ang kawalan mo ng malay sa paguusap ng mga kapatid ng mga karunungan at hiwagang nabuksan noong nakaraang pasalamat. Ex. ginagamit mo parin ang katawagang “banal na hapunan” patungkol sa “hapunan ng panginoon”. Kung baga dumadalo ka DAHIL LANG sa ayaw mong mahuli sa balita.
- Dumadalo ka DAHIL LANG sa nakatoka ang grupo, lokal, distrito o division mo. Maituturing tangaytangayan din ang ganito kung wala sa puso.
- Vested interest. Dumadalo ka DAHIL LANG sa gusto mong maalis ang pagkakasuspindo mo o dahil lang gusto mong maipakita na aktibo ka at gusto mong mapagbigyan ang hinihiling mong pabor sa pangasiwaan.
- Nacorner. Ganito ang ibig kong sabihin sa “nacorner”, kadalasang nangyayari ito sa mga probinsya pag playback… Pagkatapos ng pagsamba ng linggo ay tuloy tuloy na sa pagbyubyuwing/playback ng pasalamat. Kung wala kang balak magplayback at nagplayback ka, lalabas napilitan ka lang… baka pati abuloy mo di mo pa napaghandaan kapatid!
- And lastly, para sa mga katulad kong matagal na sa Iglesia… dumadalo ka dahil NASANAY ka na lang at hindi na dahil sa pananampalataya. Kumbaga gumagawa ka ng isang bagay ng wala sa puso, ginagawa mo dahil habit mo na nalang. Ang gamit na analogy ni Kuya dito ay parang manerism mo na lang ang pagdalo ng pasalamat. Kahit di mo iniisip, kahit wala sa puso mo, dumadalo ka.
2. Mga ugaling hindi dapat ugaliin.
- Pag attend ng pasalamat pagkatapos ng lunch break para hindi halata na late ka. Dahil nagliwaliw ka muna sa kung saang lupalop, o kaya napuyat ka sa kakachat, dota, youtube o friendster kagabe. Ngayon, para naman sa mga busy people, maaaring nagkulang ka sa planning. Boring ang topic na planning o time management kaya skip nalang natin. =)
- Ang pagiging suki ng viewing. Kahit may kakayahan ka namang pumunta ng Apalit, di ka pumupunta. Ang first time mong pasalamat sa Apalit ay sya ring last time mo. Ewan ko, magumpisa yata nagkaroon ng viewing, kahit pasalamat ng buong kapatiran di ko na nakikita mga naging kalokal ko sa lokal ng ****** (Far North). Namimiss ko na po kayo mga kapatid! ;p
3. Mga tips para maging maalwan ang pagatend ng Pasalamat ng Buong Kapatiran. International Thanksgiving (aka PBK) – APALIT
- Matulog ng maaga para di malate at antukin.(kaylangan pa bang imemorize yan?)
- Kung di maiiwasan ang puyat, uminom ng isang power plus grape seed extract sa gabe, at uminom ng tubig na may power drops (2 drops per glass glass of water: 8 glass a day). Pag gising mo, inom kaagad ng tubig na may power drops, after a few minutes sumigaw ka ng… POWER! ;p
- Kung nagcocommute ka tulad ko, agahan mo dahil magsesetup pa tayo ng tabernakulo. Opo, isang tabernakulo, isang tolda, aka tent
. Kung may mas maagap sa iyo at Friday palang ay pupunta na ng Apalit, ipadala mo na lang ito at ipasetup para may matulugan ang kapatid at para may pwesto ka na rin kinabukasan. Ayos! - To Commute or to Rent?. Depende kung saan ka manggagaling, pero sa tingin ko mas maalwan ang pagcocommute ng mga tiga kesa sa mga nasa probinsya, dahil ang daming masasakyang FX o Bus. Di tulad pag galing ka ng , Tarlac, … magrerent kayo ng transpo o makikihitch… Ang problema ng pagrent ng sasakyan ay sa paguwi, dahil maghihintay ka sa mga kapatid na napa cr, bumibili ng mga memrobilya, nagpapadownload ng debate/tanging awit o nagliwaliw sa museo o sa kung saan o dahil naipit sa human trafik na kadalasang nangyayari tuwing PBK. Isa pang problema ay ang paglabas, dahil hihintayin mo pang makaalis ang nakapark na sasakyan sa harap mo. Paalala: Ingat ka sa paglabas ng sasakyan mo dahil baka may masagi kang kapatid na nagmamadaling lumabas ng pasalamatan na para bang siya si superman o si supergirl hindi iniindang kung masagasaan siya.
- Kaya ang mas mainam na gawin mo ay magpalipas ka nalang ng gabi sa Apalit, to avoid all those commotion. Kaya nga tayo magtatayo ng tabernakulo in the first place. Kaysa maubos ang oras mo sa paguwi mas magandang itulog mo na lang sa Apalit. At syempre kung magpapalipas ka ng gabi, mas magandang…
- Vacation leave mo na ang lunes para dika antukantok sa trabaho You won’t be doing your company justice if your not at 100%… para di rin galit si boss saiyo. Syempre kung mag lileave ka… kelangang
- Magleave kaagad pagka nalaman mo na ang petsa ng PBK. usually two months before ng petsa makakapagleave kana. Mas maganda mas maaga kang magpaalam para malaman ng boss mo na napakaimportante ng pupuntahan mo at siguradong papayagan ka. Pero kung ang nature ng trabaho mo o kumpanya o boss mo ay walang konsiderasyon kahit 2 months advance ang paalam mo, isa lang masasabi ko… magresign ka na kapatid at humanap ka ng ibang trabaho. Wag matakot at siguradong may mahahanap kang mas magandang job. Magtiwala ka lang sa magagawa ng Dios. I know, been there, done that. Pagsisi ko lang, hindi ako agad nagresign noon sa akala kong wala na akong mahahanap na mas magandang job… I was wrong to trust my own strength… napakabuti ng Dios mga kapatid…..
- Ahem balik tayo sa topic. Gusto ko lang iemphasize ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tent… pwera nalang kung may sarili kang unit sa Apalit, you have the luxary to lay in bed with matching aircon while watching the activities being done through your TV. Malamig… maalwan… sa sobrang alwan wala naring pinagkaiba kung nasa bahay ka nanood ng UNTv. Masarap pero para sa akin hindi nararapat maghapong ka sa loob ng unit at di nararamdaman ang init ng mga kapatid sa labas.
- Balik sa tent,since two days ang PBK mas magandang magovernight na para di ka late kinabukasan. masarap tulog mo, bili ka narin ng air bed, madaling bitbitin pag walang hangin, very portable. REMEMBER: “Travel light” may 500 pesos… kasya dalawang tao kung hihiga ng pahalang at kung upper body lang ang nasa air bed, mga paa nakabitin. No need na magdala ng pump, dagdag pasanin pa, tyagain mo nalang na hipan… mga after one hour fully inflated na. Pero kung less than 10 minutes natapos mong hipan, siguradong namamanhid na ang mga ilang bahagi ng katawan mo sa hilo. Huwag magalalaa, makakarecover ka rin after 30 minutes. Mas maganda mag power drops ka, para may oxygen. Biro mo, nakakasindi ito ng bumbilya dahil sa oxygen content daw nito? Anywayz, balik tayo sa tent… isang advantage ng pagoovernight sa Apalit ay para power ang gising mo kinabukasan… para pag tinanong ka ni bro Mel tungkol sa paksa may maisasagot ka. There’s nothing more humiliting than to look stupid in front of brethrens around the world lalo na pag sampung taon ka na sa Iglesia at medyo bata bata ka pa at ang nasabi mo lang ay ang ibinulong ng nasa likod mo. O dili kaya makakasagot ka lang dahil sa mga leading questions ni bro Mel… (sorry po bro Mel hehe) Anywayz may mga valid reasons naman kaya di nakakasagot minsan ang isang kapatid baka puyat, pero hanggat maari kaylangan attentive para maintindihan ang paksa.
- Magpower Nap ka every breaktime, usually mga 15 mins. lang of nap will surely improve your total efficiency throughout the day. Proven na ito, try mong isearch sa internet.
Kung sensitive ka naman sa ingay at nagigising ka sa huni lang ng ibon isa pang kaylangan mo ay ang ear plug sa pagtulog dahil maraming naglalakad sa labas. Pero ang pinaka purpose nito is to protect your ear drums sa sobrang lakas ng sound system, lalo na kung nasa malapit ka sa mga speakers. Prolong exposure to loud noise ay hihina pandinig mo. Sa Handy Man may mabibili ka ranging from 30 pesos to 130 pesos. Bilin mo na ang mahal, ilang decibels narin kaya niyang iblock… (uuh… anung decibels?)
- Magdala ng tissue, ethyl alcohol (wag isoprphyl as advised by bro Raphy)
- Personaly, di na ako bumibili ng kahit anong inumin sa Apalit except bottled water at soya milk sa tindahan ni Ingkong. Why? Dahil mahirap ang masiraaan ng tiyan. I’m sorry to say hindi lahat ng nagtitinda doon ay may kaingatan sa drinking water nila, nakakahiya pang tanungin kung asan ang ID nila to prove na naorient sila o nakikipagcooperate sila sa drinking water handling standard ng Apalit. Mahirap talagang maging suki ng CR!! awoooooh! aw! aw! aw! aaaaaaaaarg!
- Folding chair. I’m an Industrial engineer at isang trabaho namin is to find ways to maximize workers efficiency. And one way of achieving that is to apply ergonomic principles. Ang ordinaryong monoblock chair is not designed for long hours of sitting. Especially sa PBK wherein it last about 14-16 hours x 2 days. Kahit malakas pagkataong loob natin, affected parin ang pagabsorb natin ng paksa sa nararamdaman ng physical body natin. Kaya ang isang magandang chair available in the market today ay ang folding chair below.
- It supports the head and it is slightly inclined to lessen the pressure from the lower back. it has also a foot rest but I do not recommend having it too high as it will induce sleep. Just have it positioned to prevent your feet from hanging. Madaling isetup at cool bitbitin para kang maghahiking… walang hasle The above chair I bought for my mom who is now in her late 50’s na hindi na nakakaupo ng matagal dahil sa backpain, this solved the problem. This cost about 900 pesos at Ace Hardware in Ayala. Baka sa ibang mall mas mura. This is a good investment kesa cellphone bilhin mo, unahin mo na ito.
4. Pagpapanatili ng kaayusan.
- Magdala ng plastic, para lalagyan ng mga basura. Gawin po nating may karapatan at kaayusan ang bawat bagay. Hanggat maaari, wag tayong magiiwan ng basura sa Apalit, para naman mabawasan mga hahakutin ng mga volunteer workforce natin. Iuwi po natin mga basura natin, kung maari.
- Huwag haharangin mga major na daanan ng mga tao.
- Pasakop sa mga Quat, kung mapride ka kapatid… kainin mo muna. Wala pong sweldo mga yan, para rin sa ating lahat ang ginagawa nilang pagaaayos. Wag karing magagalit pag masita kang natutulog/ nakatulog pag nagpapaksa na. Mahirap idistinguish ang isang kapatid na napuyat with good reasons sa isang kapatid na napuyat dahil sa walang kwentang bagay. Kaya pasakop po tayo. Saludo kami sa inyo mga Quat!
<to be continued>

