jump to navigation

Sa Anumang Paraan… Hindi Kita Pababayaan May 21, 2007

Posted by chazper in Bible, Story of an Alien, Success Journal.
trackback

What the mind conceives and believes it will achieve.
You can do it if you Believe you can.
Failing to Plan is Planning to Fail.
Begin with the End in Mind.
Do what you love and love what you do.
Do it right the first time.

Yan ang mga ilan sa mga paborito kong mga kawikaang pangtao para makamit ang tagumpay o “success” kung tawagin sa wikang Ingles.

Ang salitang “success” ay may iba’t ibang kahulugan para sa iba’t ibang tao. Sa iba, ang success ay nasusukat sa mga material na bagay tulad ng pagkakaroon ng magarang sasakyan, bahay at lupa, magandang damit, latest cellphone, 15k na ipod, magandang girlfriend, gwapong boyfriend, poging aso na nagkakahalaga ng sampung libo (masarap kaya ang asong iyon kapag ginawang kalderetang aso?).

Sa iba naman nasusukat ang “success” sa mga bagay na “intangible” tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan sa gobyerno o sa pinagtratrabauhang companya, pagkakaroon ng masayang pamilya, pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, pagiging experto sa isang larangan, pagkakaroon ng isang mabuting asawa kahit hindi gaanong maganda/gwapo (huwag lang tulad ni bakekang, pangit na mukha pangit pa ang ugali), pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan (yung mga kaibigang kahit nakakalimutan mong itext andyan parin sila, mga kaibigang nagsesetup ng makakadate mo kahit ayaw mong makipagdate, mga nanghihiram ng gamit mo at hindi na sinasauli kung isauli man dalawangpung taon ang bibilangin mo, mga kaibigang nagyayayang lumabas para lang magpalibre, mga kaibigang mapangasar).

Kahit ano pa man para sa iyo ang kahulugan ng “success”, ang tinuturo ng mga success guru upang makamit mo ito ay dapat daw magkaroon ka ng naglalagablab na pagnanasa (burning desire) upang ikaw ay magsikap sa pagkamit nito.

Tama iyon, kaya nga sabi ng kawikaang tunay “Seek and you shall find, Knock and you shall be opened, ask and it shall be given unto you”.

Ngunit aking napagtanto na kahit anong gawin mong pagsisikap kung wala ka namang Dios na kasama hindi mo makakamit ang tunay na tagumpay.

Marahil may maganda at mayaman kang asawa ngunit bungangera naman… mas mabuti pang umakyat ka sa bubong ng bahay nyo at wag nang bumaba. O kung lalakeng asawa naman, kahit gwapo at mabait, wala namang Dios sa buhay niya… ikaw na marupok na sisidlan hindi ka kaya mabasag?

O kaya’y kumikita ka ng limpak limpak na salapi ngunit ang kapalit naman ay ang iyong dangal at integridad anong pakinabang ng salaping iyong iniipon?

Marahil nakapunta ka sa isang first world country sa pamamagitan ng fix marriage ngunit ang kapalit ay ang pagkakaroon ng asawa na hindi mo naman mahal… anong pinagkaiba mo sa mga kalapating mababa ang lipad pwera sa kasal? Ang ginagawa ng iba matapos makuha ang green card… divorce kaagad. Ang tanong… Kristyano ka ba pag ganoon?

Sa hirap ng buhay ngayon kahit sa patalim ang karamihan ay kumakapit narin. May kakilala akong babae na pumatol sa isang Hapong may asawa. Nagkaanak sila, binibigyan naman ng malaking sustento ngunit sino ang nadamay sa kasalanang ginawa nila? Ang anak sa labas na walang malay. Na lalaking may kaagaw sa pagmamahal ng kanyang ama.

Ako man ay nakaranas ng mga pagkabigo sa trabaho, sa negosyo, sa relasyon, sa mga interviews sa call center, sa mga pyramiding scam (alam nyo ba ang powerhomes?), etc. Bakit nangyayari ang mga ito sa akin kako? Sinunod ko namang ang mga payo ng mga success gurus pero bigo parin ako.

Matapos ang matagal na soul searching… narealize ko na kaya nawala sa akin ang mga bagay na iyon ay para tanggapin ko naman ang mas lalong dakilang mga bagay na makakabuti sa akin.

Kung hindi ako nabigo sa negosyo, hindi ko sana nasumpungan ang dream job at dream company kong ito na di ko man lang kinailangang mangibangbayan. Kung hindi nangyari ang pagkabigo ko sa mga maraming bagay, hindi sana ako ngayon nandirito na patuloy na naglilingkod sa Kanya (unawain ng nagbabasa).

Dito ko narealize na hindi lang sa sariling kakayanan dapat tumiwala ang isang Kristyano, kundi bagkus sa pagkakaroon ng pananampalataya sa buong makakaya at kabutihan ng Dios na di makakapagsinungaling. Na ang kanyang pangako ay:

…Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan. – Hebreo 13:5

Comments»

1. vic.101 - May 31, 2007

10 Years ako sa ADD, di ako nagpabaya sa mga tungkulin ko. Naging Opisyales ako ng local at dibisyon. Naging Close in Security ako ni eliseo soriano. Nagmanggagawa ako. Naging ADDPro ako. Pati sa mga Treasure Hunting ng ADD naugnay ako. Isa ang napatunayan ko, nagpapayaman lang si eli soriano sa relihiyon, s’ya ay bulaang propeta!

Gaano mo nasuri ang loob at labas ng relihiyon mo? Iniimbitahan ko kayong makipagtalakayan sa http://www.network54.com/Forum/261121/

vic.101

2. chazper - June 1, 2007

We all have free will and we think what we want to think. If that is your perception about Bro. Eli, I can’t force you to change it.

“A man forced against his will… is of the same opinion still”.

But it doesn’t surprise me if you have been a member for 10 years and changed your faith… I’ve known people who have been a member a lot more than you do and they also stopped. That was prophesied in the Bible.

Despite of these, I’ve known members who are still faithful to the true doctrines of God for more than a decade. I myself will be turning 9 years old in spirit in a couple of months now, if God is willing. I’ve been through a lot of trials because of my faith, I was down one point in my life, I began to question a lot of things, a LOT of things… but all things became clear. Crystal clear… that not even your little “paduda” from your forum matches my past questions.

I don’t know your story, I don’t know what you have done, but these I know… Bro. Eli is a man of God, whatever you might perceive of him, whatever they say against him… I have proven to myself that among the religious leaders in this time that I know of… he has the wisdom from God that no one can measure.

This is what I hold to be true “… none of the wicked shall understand; but the wise shall understand”. Dan. 12:10